Damayan Filipino Community
Welcome!

You must log in to post and reply to this forum.

Thank you!

Join the forum, it's quick and easy

Damayan Filipino Community
Welcome!

You must log in to post and reply to this forum.

Thank you!
Damayan Filipino Community
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Filipina/filipino on marrying a foreigner

3 posters

Go down

Filipina/filipino on marrying a foreigner Empty Filipina/filipino on marrying a foreigner

Post by maRj Wed Mar 03, 2010 9:18 pm

Ang unang-unang factor na nakakaapekto sa buhay ng Filipina na kasal sa Korean is yung mataas na expectation.


Feeling kasi ni pinay...
kapag nag-asawa sya ng foreigner (khit anong lahi)
naka-set na agd s isip nya na magiging mayaman sya or mabubuhay ng marangya.

Iyon ang unang-unang pagkakamali.
Pera agad kasi ang tinitingnan.
Hindi naman masamang maghangad guminhawa.
Kahit ako, gusto ko din ng maginhawang buhay kaya ako nandito sa Korea ngayon.
Pero lahat naman ng mayaman or maalwan ang buhay ngayon ay nagsumikap para marating yung estado nila ngayon... nagtiis...nagsakripisyo.
Kahit nga mga naging milyonaryo sa Lotto, namuhunan muna sila ng malaking halaga sa araw-araw nilang pagtaya bago sila naka-jackpot.

Sana lang kasi, hindi isipin ng mga kababayan natin na kpag nakapag-asawa ka ng foreigner eh magiging prinsesa na sila. Kahit naman kapwa pinoy ang napangasawa nila, pareho lang naman. Bawat relasyon, bawat mag-asawa may mga problemang dinadaanan at indifferences na hindi maresolbahan. Ang pag-aasawa ng Koreano ay katulad din ng pag-aasawa ng kapwa pinoy o ng kahit ano pa mang lahi. Ang kaibahan lang, salita at kultura. Pero kahit ano pa mang lahi yan, ang pakikipagrelasyon ay pare-pareho.

Aminin na natin na kaya nagsipag-asawa ng foreigner ang mga Koreano dahil

1. walang pumatol na koreana s knila dhil wala silang pera (bihirang mayamang koreano ang nag-asawa ng foreigner lalo na kung ang mapapangasawa ay galing sa bansang mas mahirap s knila).
2. gusto nilang magkaroon ng anak/ magkapamilya dahil tumatanda na sila eh wla pang pumato s knilang koreana (paano na kpag di na sila makatayo sa katandaan?)
3. may disability sila (putol ang daliri, putol ang kamay, putol ang paa, pilay, pilay ang ano...hahaha!, bingi, duling, fanget (disability ba ito?...boy! ), may epilepsy, may konti (mahina battery), lasenggo at kung ano-ano pa.
4. pangalawa or pangatlo na nilang pag-aasawa yun... (divorced from a previous marriage/s at may package deal pang mga anak/anakis (may instant anak k kpag nagpakasal k s knila).
5. hindi natagalan ang nanay nila (walang tumagal na babae para maging byenan ang nanay nila.
6. marami silang lupain ....ooppsss... lupain na sakahin. kaylangan nila ng kalabaw na mag-aararo ng bukid, este ng makakatulong pla sa pag-aararo sa bukid.
7. at marami pang ibang dahilan...



Huwag na tayong mag-ilusyon na napakaganda natin at mahal na mahal tayo ng Koreano kaya tayo piniling pakasalan. Gumising ka! Dahil ganun ka din naman sa kanya. Hindi mo sya mahal...aminin!

Ganunpaman, hindi naman nagkukulang ang CFO sa pagpapa-alala sa mga pinay sa sitwasyong dadatnan nila dito. Ipinapaliwanag nila ng husto kung ano ang posibleng mangyari sa iyo kapag nandito ka na sa Korea. Kaya hindi nyo pwedeng sabihin na wala sa hinagap nyo ang mga pangyayaring nagaganap sa inyo dito. Alam mo na ganyan ang magiging sitwasyon mo pero sumige ka pa din. Wala namang pwedeng pumilit iyo na magpakasal sa Koreanong ayaw mo lalo na at nasa Pilipinas ka pa. Pwede namang pumili uli ng ibang babae ang koreano kung umayaw ka sa kanya.

Pero dahil nandito ka na.
Bakit imbes na pagsisintir ang gawin mo at paghahanap ng mga mali at kulang sa asawa mo at sa inlaws mo... eh palaguin mo ang sarili mo at ang pang-unawa mo.

1. Mag-aral ka munang mabuti ng Korean language. Kasi kapag marunong ka nang magsalita, marami ka nang pwedeng magawa.

2. Attend classes/seminar na makakatulong sa iyo sa pag-intindi ng kultura ng Koreans pati na din sa pagpapa-unlad sa sarili mong kakayahan katulad ng piano classes, cooking, aerobics, driving, computer ( free po iyan sa immigrant centers). Mas marami kang alam, mas maraming opportunities.

2. Ang pagkakaroon ng byenan dito ay kaparehas din ng pagkakaroon ng byenan sa pinas or saan pa mang panig ng mundo. Huwag palaging palaban. Reverse psychology ang gamitin.

3. Bumuo ka muna ng pamilya. Kasi yun nman tlga dapat ang dahilan ng pag-aasawa mo. Karamihan sa mga koreano na ayw pagtrabahuin ang asawa nila, in most cases, kapag may anak na, pinapayagan na si babaeng magtrabaho.

4. Kunin mo muna ang tiwala ng asawa mo. Marami na kasi silang narinig tungkol sa pagtakas or hindi pag-aanak ng babae dahil gusto lng kumita ng pera. Ang mga cases na hindi pagbibigay ng allowance ay isang sign na wla pang tiwala sa iyo ang asawa mo or sadyang switik lng siya...hahaha!.

5. Ipaintindi sa mga magulang at kaanak sa pinas na hindi ka nag-asawa ng prinsipe at hindi ka prinsesa dito para masuportahan mo ang pamumuhay nila. hindi msama ang tumulong kapag may malaking problema or emergency pero sa kultura ng koreano, nagbabago ang priorities mo s buhay kapag nag-asawa ka na. para sa knila, hindi mo na responsibilidad ang mga kapatid mong may-asawa na, mga dalaga at binata na, pagpapa-aral, pagpapakain at kung ano-ano pa.

6.At dahil hindi nga sila kumporme sa kultura nating iyan, kailangan mong mgtrabaho or isakripisyo ang sarli mong allowance pra sa pamilya mo sa pinas.

7. wag mong palaging isipin na malas ka sa napangasawa mo, look on the brighter side. may mga situations na mas mapalad ka kesa sa sitwasyon ng kapwa mo na may asawa ding foreigner. buti nlng hindi ako ganon...buti nlng hindi ganun asawa ko... buti nlng... mga tipong ganyan! aluin mo sarili mo...hahaha!

8. give urself a chance na ma-appreciate ang husband mo kahit ano pa cya. afterall, asawa mo na iyan. ag lang puro bad points ang tingnan mo s knya. look for pogi points. kung wla nmn (hahaha!) eh di tulungan mo cya to improve pra maging kaaya-aya sa paningin mo.

9. huwag padalos-dalos ng desisyon. pag-isipan ng 5,885 beses (tlgang may butal... pra wla lang...pra mahirapan klng...hahaha!) ang anumang bagay na pina-plano mong gawin. palagi mong tingnan sa malayo ang magiging resulta ng desisyon mo dhil hindi tayo nabubuhay para ngaung araw lang. be smart Wink

10. pinaka-importante sa lahat... have faith! plagi kang dasal kay Lord. ask for guidance. ipag-dasal mo ang mga problema mo. magtiwala ka lang. He will make a way!
maRj
maRj
Admin

Posts : 75
Points : 139
Join date : 2010-01-11
Age : 48
Location : S.Korea

https://damayan.forumakers.com

Back to top Go down

Filipina/filipino on marrying a foreigner Empty Re: Filipina/filipino on marrying a foreigner

Post by destiny Thu Mar 25, 2010 9:57 am

well said po!
lumabas ang pinay na sinasabing mayaman asawa nya!



























































PAUTANG!LOL :p

destiny

Posts : 1
Points : 1
Join date : 2010-03-25

Back to top Go down

Filipina/filipino on marrying a foreigner Empty Re: Filipina/filipino on marrying a foreigner

Post by casper22 Tue Mar 30, 2010 4:47 am

wow yan po po huh..very well said at my explanations pa lht..

ewan k lnh kng d pa nla maintindhan yan sis....

yehey
casper22
casper22

Posts : 58
Points : 67
Join date : 2010-03-10

Back to top Go down

Filipina/filipino on marrying a foreigner Empty Re: Filipina/filipino on marrying a foreigner

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum